Pagdiriwang sa Earth Month: Ang Pananaw para sa Mga Green Job

Pananaw para sa mga green job Limang litrato ng iba’t ibang manggagawa sa iba’t ibang trabahong may kaugnayan sa kapaligiran, kasama ang tagapag-install ng solar panel, teknisyan ng wind turbine, chemist, inhinyerong pang-agrikultura, at siyentistang pang-kapaligiran.

Kung interesado ka sa trabahong nakakatulong sa kapaligiran, narito ang ilang trabahong inaasahan ng Kawanihan ng Estadistika ng Paggawa (Bureau of Labor Statistics) na mabilis na lalago mula 2022 hanggang 2032. 

 

Ang mga teknisyan sa serbisyo ng wind turbine ay nagpapanatili at nagkukumpuni ng mga wind turbine

Taunang median na sahod sa 2022: $57,320

Karaniwang entry-level na edukasyon: Postsecondary na nondegree award

Bilang ng trabaho, 2022: 11,200

Inaasahang paglago, 2022–32: 45% (higit na mas mabilis kaysa sa average)

Mga pagbubukas ng trabaho, taunang average sa 2022-32: 1,800

 

Ang mga tagapag-install ng solar photovoltaic (PV)ay nag-bubuo, nagse-set up, at nagpapanatili sa bubong o iba pang sistema na ginagawang enerhiya ang liwanag ng araw.

Taunang median na sahod sa 2022: $45,230

Karaniwang entry-level na edukasyon: Diploma sa mataas na paaralan o katumbas nito

Bilang ng trabaho, 2022: 29,400

Inaasahang paglago, 2022–32: 22% (higit na mas mabilis kaysa sa average)

Mga pagbubukas ng trabaho, taunang average sa 2022-32: 3,500

 

Ang mga biochemist and biophysicist  ay nag-aaral tungkol sa prinsipyo ng kemikal at pisikal ng mga bagay na may buhay at ng mga biyolohikal na proseso.

Taunang median na sahod sa 2022: $103,810

Karaniwang entry-level na edukasyon: Doktoral o propesyonal na degree

Bilang ng trabaho, 2022: 34,500

Inaasahang paglago, 2022–32: 7% (mas mabilis kaysa sa average)

Mga pagbubukas ng trabaho, taunang average sa 2022-32: 2,800

 

Ang mga inhinyerong pang-agrikultura ay tumutulong sa paglutas ng mga problema tungkol sa mga suplay ng kuryente, kahusayan ng makina, paggamit ng mga estruktura at pasilidad, polusyon at mga isyu sa kapaligiran, at ang pag-iimbak at pagproseso ng mga produktong pang-agrikultura. 

Taunang median na sahod sa 2022: $83,260

Karaniwang entry-level na edukasyon: Bachelor's degree

Bilang ng trabaho, 2022: 1,600

Inaasahang paglago, 2022–32: 6% (mas mabilis kaysa sa average)

Mga pagbubukas ng trabaho, taunang average sa 2022-32: 100

 

Ang mga chemist na dalubhasa sa green chemistry ay nagdidisenyo ng mga kemikal na proseso at mga produktong mainam sa pagpapanatili ng kapaligiran.

Taunang median na sahod sa 2022: $80,670

Karaniwang entry-level na edukasyon: Bachelor's degree

Bilang ng trabaho, 2022: 87,100

Inaasahang paglago, 2022–32: 6% (mas mabilis kaysa sa average)

Mga pagbubukas ng trabaho, taunang average sa 2022-32: 6,600

 

Ang mga inhinyero na pang-kapaligiran ay gumagamit ng mga disiplina sa engineering sa pagbuo ng mga solusyon sa mga problema ng kalusugan ng planeta.

Taunang median na sahod sa 2022: $96,530

Karaniwang entry-level na edukasyon: Bachelor's degree

Bilang ng trabaho, 2022: 47,300

Inaasahang paglago, 2022–32: 6% (mas mabilis kaysa sa average)

Mga pagbubukas ng trabaho, taunang average sa 2022-32: 3,400

 

Ang mga siyentipiko at espesyalista sa kapaligiran ay gumagamit ng kanilang kaalaman sa agham para protektahan ang kapaligiran at kalusugan ng mga tao.

Taunang median na sahod sa 2022: $76,480

Karaniwang entry-level na edukasyon: Bachelor's degree

Bilang ng trabaho, 2022: 80,500

Inaasahang paglago, 2022–32: 6% (mas mabilis kaysa sa average)

Mga pagbubukas ng trabaho, taunang average sa 2022-32: 6,900

 

Mga teknisyan ng agham at proteksyon sa kapaligiran ang nagsusubaybay sa kapaligiran at sinisiyasat ang mga pinagmumulan ng polusyon at kontaminasyon.

Taunang median na sahod sa 2022: $48,380

Karaniwang entry-level na edukasyon: Associate degree

Bilang ng trabaho, 2022: 35,000

Inaasahang paglago, 2022–32: 6% (mas mabilis kaysa sa average)

Mga pagbubukas ng trabaho, taunang average sa 2022-32: 3,800

 

 

Tuklasin ang mga ito at daan-daang iba pang trabaho sa Handbook sa Pananaw sa Trabaho na makikita online o sa pamamagitan ng pag-download sa CareerInfo app, na available sa mga iOS at Android device. 

 

Sina Sofia Laycock at An Nguyen ay mga ekonomista sa Kawanihan ng Estadistika ng Paggawa. I-follow ang BLS sa X sa @BLS_gov.