Pagpapalakas ng Mga Kababaihan sa Mga Kalakalan

Nakangiti ang Tumatayong Kalihim ng Paggawa at si Kilah Engelke sa harap ng kulay abong backdrop na may nakasulat na “WRTP, Big Step. Paving the way.”


Ang Pamumuhunan ng administrasyong Biden-Harris sa agenda ng Amerika na nakakaapekto sa mga komunidad sa buong bansa, mula Pittsburgh hanggang Las Vegas, San Francisco hanggang Charlotte, Eugene hanggang Lansing.

Sa Milwaukee, inanunsyo ng Tumatayong kalihim na si Julie Su ang $1.5 milyon na mga gawad sa Pakikipagtulungan sa Panrehiyong Pagsasanay sa Wisconsin (Wisconsin Regional Training Partnership)/Big STEP, na gumagana para gumawa ng magkakaiba at may mataas na kasanayan na manggagawa. Mapupunta ang mga pondo sa isang pre-apprenticeship na programa ng dekuryenteng sasakyan.

Habang naroon, nakilala ng Tumatayong Kalihim na si Su si Kilah Engelke, na nagsimula sa kanyang karera sa mga kalakalan. Ngayon, bilang miyembro ng lupon ng Pakikipagtulungan sa Panrehiyong Pagsasanay sa Wisconsin at founder ng EmpowHER, nagtatrabaho siya para tulungan ang ibang kababaihan na makapasok sa mga kalakalan. Basahin ang higit pa sa kanyang kuwento at ang kanyang payo para sa ibang kababaihan.

Paano ka nakapasok sa mga kalakalan?

Isang estimator ang stepdad ko para sa malaking kompanyang gumagawa ng konkretong kalsada. Inilagay niya ako at ang aking mga kapatid na lalaki bilang mga crew sa mga panahon ng tag-araw. Isang taon, nagpahinga ako sa pag-aaral para malaman kung ano ang gusto kong gawin at sinimulan ang aking pagiging apprentice bilang mason ng semento sa Operative Plasterers' and Cement Masons' International Association (OPCMIA). Pagkatapos kong makapagtapos bilang isang journey worker, patuloy akong naging mas at higit na naging aktibo sa aking unyon. Sa kalaunan, iminungkahi ko ang aking sarili sa posisyon para maging lokal na pagiging apprentice at tagapagsaayos ng pagsasanay. Tinanggap ko ang posisyong iyon noong 2011 at naging miyembro ng kawani mula noon. Noong 2018, tumakbo ako at nahalal bilang ahente sa negosyoat kalihim ng pagtatala, kaya naman kasalukuyan akong nagtatrabaho at naglilingkod sa aking pagiging miyembro. 

Ano ang naging karanasan mo bilang babae sa mga kalakalan?

Ang aking karanasan bilang babaeng mangangalakal ay humubog sa aking buhay. Nagbigay-daan ito sa akin para matupad ang aking mga pangarap habang nakakapag-ipon ako ng aking pensyon at nagkakaroon ako ng pinakamahusay na pangangalagang pangkalusugan na magagamit. Napakapalad ko na naging bahagi ng pagbuo ng komunidad kung saan ako nakatira at maging iginagalang na bahagi ng pangkat kung saan ako naging miyembro, na nagbigay sa akin ng labis na pagmamalaki at kagalakan. Bago ako pumasok dito, hindi ko man lang alam na ang trabahong ginagawa ko ngayon ay isang trabaho, ngunit hindi ko maisip na mabuhay o magtrabaho sa ibang paraan.

Paano ka personal na naapektuhan ng trabahong ito?

Ang trabahong ito ang nagbigay sa akin ng kumpiyansa dahil binibigyang-daan ako nito na manatiling mapagkumpitensya at aktibo. Pinagsasama nito ang mga pisikal na talento at pagbuo ng mga kasanayan habang pinapahusay din ang aking kaalaman sa agham ng dinamikong materyal na pinangangasiwaan ko, at iyon ay ang kongkreto. Walang limitasyon kung gaano karami ang matututuhan ko — palaging may paraan para umunlad ako at mahamon ang aking pag-iisip at siyempre ang aking katawan. Malaki ang kinita ko bilang mason ng semento. Dahil sa trabahong ito, nagkaroon ako ng sariling bahay, magagandang sasakyan, mga kamangha-manghang karanasan sa buhay, naging independyente ako at hindi ko kailangang umasa sa iba maliban sa aking sarili, habang nakakapag-ipon ako ng aking pensyon at nagkakaroon ako ng pinakamahusay na pangangalagang pangkalusugan na maaaring makuha ng isang tao — ang lahat ng ito ay kasama sa aking suweldo.  

Naramdaman mo ba ang epekto ng mga pamumuhunan ng administrasyong Biden-Harris sa mga manggagawa ng Wisconsin?

Naranasan ko nang lubos ang epekto ng mga pamumuhunan sa mga manggagawa ng Wisconsin na malinaw kaming nakatuon sa pag-alalay sa iba para matiyak na ang magkakaibang grupo nakakapagtrabaho at sa mga proyektong muling huhubog sa mga komunidad kung saan kami nakatira at ang mga lugar ng trabaho ay patuloy na magiging katulad ng mga komunidad na iyon. May malakas at malalim na pagsisikap para matiyak na ito ay magiging makatotohanan, at bilang kinatawan para sa mga kalakalan, alam kong parami nang parami ang nakikita nating interes sa aming mga benepisyo. Ang halagang nagmumula sa mga sahod para tustusan ang pamilya at pagsasanay na nagbibigay-daan sa iyong kumita habang natututo ka. At ang interes ay tiyak na nagmumula sa lahat ng anggulo — paggawa, pamamahala, gobyerno at industriya — para mamuhunan sa mga tao para bumuo ng pinakamalakas na manggagawa at humubog ng pinakamahusay na mga tauhan.

Nakatulong ka sa paghahanda ng landas para sa mga kababaihan na gustong pumasok sa mga kalakalan sa Wisconsin. Anong payo ang maibibigay mo sa ibang kababaihan na naghahanap ng pagkakataon para makapasok sa mga kalakalan? 

Sa mga kababaihan na gustong pumasok sa karera ng mga kalakalan, gusto kong sabihin na magkaroon sila ng tiwala sa sarili, pagtuunan ang kanilang sariling mga kasanayan at kaalaman at malaman na sinadya sila sa larangang iyan nang higit sa sinuman. Magtanong, maging masipag sa trabaho, maging marunong makibagay at huwag hayaan ang pagiging negatibo na makagambala sa iyo kung bakit ka nariyan, at iyon ay para magkaroon ng maayos na trabaho, kumita ng maraming pera, at ipagmamalaki ang iyong sarili at iyong trabaho. Kumonekta sa mga network ng mga kababaihan sa paligid mo dahil sila ay nasa lahat ng dako at nagkakaroon sila ng epekto. Kapag naabot mo na ang isang antas ng kasanayan at komportable ka na, bumaling sa iyong likuran at tulungan ang susunod na babae sa likod mo para ipagpatuloy ang pagbuo ng samahan ng kababaihan!

Para galugarin ang mga apprenticeship na malapit sa iyo, bisitahin ang apprenticeship.gov.