Habang nalalapit na ang pagtatapos ng tag-araw at babalik na ang mga bata sa paaralan, marami sa atin ang magsisimulang mag-isip tungkol sa mas malamig na panahon, pagbabago ng mga dahon, football at mas maiikling araw. Pero bago tayo magpunta sa puntong iyon, mahalagang maglaan ng oras para mag-isip tungkol sa mga manggagawa, kanilang karapatan at kung ano ang magagawa nating lahat para maiwasan ang mga malubhang pinsala at pagkamatay.
Agosto 26-30 ang Linggo ng Mga Karapatan sa Paggawa, patungo sa Araw ng Paggawa. Habang ang Araw ng Paggawa ay maaaring ituring na hindi opisyal na pagtatapos ng tag-araw na may araw ng pahinga sa trabaho, ilang pag-ihaw at maaaring huling biyahe patungo sa lawa o pool – higit pa rito ang magagawa natin. Panahon ito para bigyang-parangal ang mga manggagawa na gumawa ng at nagseserbisyo sa lahat ng bagay sa paligid natin bawat araw. Ang Linggo ng Mga Karapatan sa Paggawa ay isang pagdiriwang at pagkilala sa mga pangunahing karapatan ng lahat ng manggagawa sa buong bansa, kabilang ang mga lokal na kaganapan na naglalayong itaguyod ang kamalayan, edukasyon at pagtataguyod para sa mga karapatan sa paggawa sa Estados Unidos.
Ngayong taon, nakasentro ang pagdiriwang na iyon sa maraming pakikipagtulungan na naging instrumento sa mga pagsisikap ng OSHA para mabawasan ang panganib ng pagkakaroon ng mga pinsala at pagkamatay ng mga manggagawa. Tulad ng isinulat ng Gumaganap na Kalihim ng Paggawa na si Julie Su, ang mga pagdiriwang ng mga manggagawa ay hindi magiging posible “nang wala ang trabaho ng mga unyon, mambabatas, tagapagtaguyod, at milyon-milyong manggagawa” na nakikibaka sa loob ng maraming taon at maraming paraan para matamasa ng mga manggagawa ngayon ang mga karapatang mayroon sila. Ang Programa sa Pakikipagtulungan ng Consular ay mahalagang bahagi ng network ng mga partner na tumutulong sa mga manggagawa na malaman ang kanilang mga karapatan sa trabaho para magkaroon sila ng kumpiyansa na magsalita tungkol sa mga panganib at hindi ligtas na kondisyon. Ang mga tanggapan ng konsulado ng ibang bansa sa buong bansa ay nagbibigay ng napakahalagang suporta sa mga manggagawang pumupunta sa Estados Unidos para manirahan at magtrabaho.
Ang lahat ng manggagawa, anuman ang kanilang katayuan sa imigrasyon o saanmang bansa sila orihinal na nagmula, ay may parehas na mga karapatan sa kanilang mga lugar ng trabaho, at sa OSHA, pinahahalagahan namin ang bawat pakikipagtulungan at alyansa ng OSHA na tumutulong protektahan ang mga manggagawa; halimbawa, ang kasunduan sa pakikipag-alyansa sa Boise, Idaho, na nagsasanay sa mga batang manggagawa tungkol sa kaligtasan at kalusugan ng lugar sa trabaho. Makikinabang sa programang ito, at iba pang katulad nito, hindi lang ang mga batang iyon, pati na rin ang napakaraming tao na nakatrabaho nila sa buong buhay nila. Magkakaroon ng epekto sa henerasyon ang mga alyansa at pakikipagtulungan na iyon na kinabibilangan ng mga batang manggagawa.
Noong 2022, mayroong 1,056 na pagkamatay sa mga industriya ng konstruksyon at pag-extract, 11% na mas mataas sa buong 2021. Maraming kompanya ng konstruksyon ang nakipagtulungan sa OSHA para maprotektahan ang mga manggagawa sa kanilang industriya. Ang mga kompanyang iyon ay gumawa ng mga makabuluhang hakbang para baligtarin ang trend na iyon at bawasan ang bilang ng mga pagkamatay na iyon sa pamamagitan ng pagtiyak na nakatuon sila sa pagpapahusay ng kanilang mga sistema ng pamamahala sa kaligtasan at kalusugan. Kinikilala ng OSHA at ng aming mga partner ang kahalagahan ng epektibong SHMS para mahanap at ayusin ang mga panganib na maaaring magdulot ng mga malubhang pinsala at pagkamatay. Ang mga manggagawa sa Erie, Pennsylvania, at Springfield, Massachusetts, bukod sa marami pang ibang lungsod ay mas magiging ligtas at malusog sa kanilang trabaho, salamat sa mga kontratista sa konstruksyon na nanguna at nakipagtulungan sa OSHA.
Nagbabago sa paglipas ng panahon ang mga season, dahon at haba ng mga araw. Natural lang iyon. Pero ang katotohan na may mga karapatan ang mga manggagawa ay hindi nagbabago. Ang lahat ng manggagawa sa bawat lugar ng trabaho ay may karapatan sa ligtas at masiglang lugar ng trabaho. Tulad ng karamihan sa mga karapatan, nangangailangan ng maraming partner para matiyak na ang bawat manggagawa ay nakakaranas ng mga karapatang iyon nang pantay-pantay. Pinahahalagahan namin ang lahat ng aming partner. Kung isa kang grupo ng manggagawa, tagapagtaguyod ng manggagawa o employer na hindi pa nakikipagtulungan sa OSHA, hinihikayat ka naming makipag-ugnayan sa isang tanggapan ng OSHA na malapit sa iyo para malaman kung paano tayo makakapagtulungan para mapahusay ang iyong sistema ng pamamahala sa kaligtasan at trabaho, at protektahan ang mga manggagawa sa trabaho.
Si Jim Frederick ang kinatawang assistant na kalihim ng paggawa para sa kaligtasan at kalusugan sa trabaho. I-follow ang OSHA sa X/Twitter sa @OSHA_DOL at sa LinkedIn.
Jim Frederick is the deputy assistant secretary of labor for occupational safety and health. Follow OSHA on X/Twitter at @OSHA_DOL and on LinkedIn.