Noong isinabatas ang Batas sa Seguridad ng Kita sa Pagretiro ng Empleyado (Employee Retirement Income Security Act, ERISA) 50 taon na ang nakalipas, inilayon nitong tugunan ang maling pamamahala at pang-aabuso ng mga responsable para sa mga pribadong plano sa pensyon. Sa paglipas ng mga taon, lumawak ang EBSA para tugunan ang mga bagong isyu hindi lang para sa mga benepisyo sa pagretiro, kundi pati na rin sa mga benepisyong pangkalusugan at maraming iba pang benepisyo ng empleyado na ibinibigay ng mga pribadong planong nakabatay sa trabaho.
Misyon ng Pangasiwaan ng Seguridad ng Benepisyo ng Empleyado (Employee Benefit Security Administration, EBSA) na ipatupad ang ERISA at protektahan ang mga benepisyong ito na kinauugnayan ng pagbuo ng mabibisang regulasyon at iba pang gabay, pagtulong at pagtuturo sa mga manggagawa, sponsor ng plano, katiwala at provider ng serbisyo, at mahigpit na pagpapatupad ng batas. Sa paglipas ng mga taon, habang nagbago ang ERISA, nagbago rin ang EBSA para tugunan ang mga pagbabago at bagong pagsubok. At hindi magiging posible ang aming tagumpay nang wala ang aming mga partner at stakeholder.
Mula sa mga pinagmulan nito bilang Programa ng Mga Benepisyo sa Pensyon at Kapakanan hanggang sa pag-angat nito sa sub-cabinet na posisyon at patungo sa ika-21 siglo, nakipagtulungan ang EBSA sa maraming miyembro sa buong komunidad ng mga benepisyo ng empleyado, kasama ang mga nauugnay sa lahat ng aspeto ng pagbibigay ng mga plano ng benepisyo na nakabatay sa trabaho, para makamit ang malawak na hanay ng mga pagkilos na nauugnay sa aming misyon.
Simula sa pagbuo ng mabibisang regulasyon, ang input sa proseso ng paggawa ng panuntunan mula sa mga boses sa buong komunidad ng mga benepisyo ng empleyado ay naging kritikal sa pagbuo ng mga may-kaalamang panuntunan para maipatupad ang mga layunin ng ERISA. Mula sa paglahok sa mga panahon ng pagkomento sa mga pampublikong pagdinig hanggang sa mga tanong sa pagpapatupad na tumutulong sa aming bumuo ng higit pang gabay para tumulong sa pagsunod, ang papel ng aming mga stakeholder sa prosesong ito sa pagbibigay ng mahalagang impormasyon ay susi sa tagumpay.
Maaaring hindi high profile ang ilan sa mga inisyatibang isinakatuparan ng EBSA at mga partner nito. Gayunpaman, naging mahalaga ang lahat sa pagprotekta ng mga benepisyo at pagtulong sa mga kalahok. Halimbawa:
- Ang The Abandoned Plan Program, na nagsimula noong 2006, ay nakikipagtulungan sa mga bangko at iba pang institusyon sa pananalapi para tulungan ang mga manggagawa na i-access ang kanilang mga benepisyo sa pagretiro. Nagbibigay ang programang ito ng gabay para matagumpay na wakasan ang mga abandonadong plano. Binibigyang-kakahayan nito ang mga institusyon sa pananalapi na may hawak ng mga asset ng mga abandonadong plano na magbahagi ng mga benepisyo sa mga kalahok at benepisyaryo. Mula noong 2006, tumulong kaming wakasan ang 11,027 abandonadong plano habang nagpoproseso ng 14,903 aplikasyon at namamahagi ng $614.5 milyong halaga ng mga benepisyo sa pagretiro mula sa 95,505 indibidwal na account sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga institusyon sa pananalapi na lumalahok sa programa.
- Ang The Terminated Vested Participant Project, na inilunsad noong 2015 ng aming Panrehiyong Tanggapan sa Philadelphia at pinalawak sa buong bansa noong 2017, kasama ang Philadelphia Regional Solicitor of Labor, ay bumuo ng mga pamamaraan sa pagpapatupad para tiyakin ng mga plano ng benepisyo sa pensyon na alam ng mga winakasang kalahok ang dapat asahan mula sa kanilang mga plano sa pagretiro na nakabatay sa trabaho at na mag-a-apply sila para sa mga benepisyo mula sa mga planong iyon. Mula 2017 hanggang 2023, nagresulta ang proyekto sa pagtanggap ng higit sa 57,000 dating kalahok at benepisyaryo ng plano sa pensyon ng higit sa $6.5 bilyong halaga ng mga benepisyo na maaaring hindi nila matatanggap sa ibang paraan.
- Malapit na nakipagtulungan ang EBSA sa American Institute of Certified Public Accountants at sa Financial Accounting Standards Board para i-update ang gabay para sa mga practitioner, magpalitan ng kaalaman at magbigay ng payo bilang eksperto, na nagreresulta sa mas mabuting kalidad ng mga pag-audit sa plano ng benepisyo ng empleyado.
- Nakipagtulungan din ang EBSA sa Departamento ng Kaban ng Bayan at sa Serbisyo sa Rentas Internas para gawing mas madali ang pagtitipid para sa pagretiro. Sama-sama naming ipinatupad ang mga probisyon sa awtomatikong kontribusyon at default na pamumuhunan para tulungan ang mas maraming manggagawa na magsimulang magtipid para sa pagretiro nang mas maaga.
Isa pang kritikal na bahagi ng aming misyon ang outreach at edukasyon para gumawa ng kamalayan at maunawaan ang mga karapatan at responsibilidad sa ilalim ng ERISA. Bumuo ang EBSA ng mga nakatuong kampanya sa edukasyon kasama ang mga partner na nagbabahagi ng kanilang kadalubhasaan, na tumutulong sa aming makaugnayan ang aming mga target na audience, tulad ng mga may-ari ng malilit na negosyo at provider ng serbisyo ng plano. Kasama rito ang pagtuturo sa mga may-ari ng malilit na negosyo tungkol sa kanilang mga responsibilidad sa katiwala pagdating sa kanilang mga plano ng pagretiro at pagbibigay ng tulong sa pagsunod sa maraming batas sa benepisyong pangkalusugan na bahagi ng ERISA.
Tumuon din kami sa pagpapataas ng pag-unawa sa mga karapatan at responsibilidad na nauugnay sa mga benepisyo sa kalusugan ng pag-iisip at sakit sa paggamit ng kontroladong kemikal. Malawakan kaming nakipagtulungan sa mga miyembro ng komunidad para tumulong na maipamahagi ang impormasyong ito, lalo na sa mga komunidad na hindi napaglilingkuran nang sapat. Ang susi sa tagumpay ay ang pagsasama-sama ng mga nauugnay na kadalubhasaan para makapagbigay ng komprehensibong impormasyon sa iisang lugar. Kasama rito ang pakikipagtulungan sa iba pang pederal na ahensya, tulad ng IRS, Mga Serbisyong Pangkalusugan at Pantao at Dibisyon sa Sahod at Oras, pamahalaan ng estado, tulad ng mga komisyonado sa insurance ng estado, at eksperto sa industriya tulad ng AICPA, Samahan para sa Pamamahala ng Yamang-Tao, at marami pang iba na lubos naming pinapahalagahan ang pakikipagtulungan.
Tinutulungan din kami ng aming mga partner sa estado at pederal na pamahalaan na ipatupad ang batas, na nagreresulta sa malaking epekto sa buhay ng mga manggagawa at kanilang pamilya. Noong FY2023 lang, nakabawi ang EBSA ng $1.435 na bilyong direktang pagbabayad sa mga plano, kalahok at benepisyaryo.
- Noong 2016, napag-alaman ng Panrehiyong Tanggapan ng EBSA sa New York, kasama ang Kawanihan sa Pangangalagang Pangkalusugan ng Abogado Heneral ng Estado ng New York, na ang United Behavioral Health at ang kaakibat nito, ang United HealthCare, ay lumabag sa ERISA at sa Batas sa Pagkakapantay-pantay sa Kalusugan ng Pag-iisip at Katarungan sa Adiksyon sa pamamagitan ng pagbabawas sa mga rate ng reimbursement para sa mga serbisyo sa kalusugan ng pag-iisip sa labas ng network, pag-flag sa mga kalahok na sumasailalim sa mga paggamot para sa kalusugan ng pag-iisip para sa pagsusuri ng paggamit, na nagreresulta sa maraming pagtanggi sa pagbabayad, at pagkabigong magbigay ng sapat na impormasyon sa mga plano at kalahok. Nagbayad ang mga kompanya ng pangangalagang pangkalusugan ng $15.6 na milyon at nagsagawa ang mga ito ng mga aksyong pangwasto.
- Noong 2017, ang aming mga panrehiyong tanggapan sa Chicago, Atlanta at San Francisco ay nagbukas ng pagsisiyasat sa kaayusan sa kapakanan ng maraming employer (multiple employer welfare arrangement, MEWA) na nakilala sa iba't ibang pangalan kasama ang AEU Holdings, LLC Employee Benefit Plan, at sumaklaw sa humigit-kumulang 14,000 kalahok at benepisyaryo na nagtatrabaho para sa higit sa 560 employer sa 36 na estado. Napag-alaman nilang ang planong AEU ay nagdedeposito ng mga kontribusyon ng empleyado at employer sa dalawang offshore na account sa Bermuda, na nagreresulta sa higit sa $26 na milyong hindi pa nababayarang medikal na claim. Ang nagreresultang litigasyon ay nagseguro ng higit sa $14 na milyon tungo sa pagbabayad ng mga hindi pa nababayarang claim at pag-reimburse sa mga out-of-pocket na gastos ng mga empleyado. Kumilos ang EBSA para tiyaking hindi sisimulan ang mga pagkilos sa pangongolekta ng bayad sa utang laban sa mga kalahok na may mga hindi pa nababayarang medikal na claim at inisyu nito ang pinakaunang cease and desist order nito, na pumigil sa pag-market sa MEWA sa mga potensyal na employer o nagpapatalang bagong employer.
- Noong Hulyo 2023, nagresulta ang isang pagsisiyasat ng EBSA sa pakikipagkasundo sa mga katiwala ng plano ng pagretiro na ini-sponsor ng DST Systems Inc. — kasama ang firm sa pamamahala ng pamumuhunan — kung saan sumang-ayon ang mga ito na magbayad nang higit sa $124.6 na milyon sa plano ng pagretiro para sa mga ipinaparatang na paglabag sa tiwala. Kasama sa mga paglabag ang pagkabigong ma-diversify ang mga asset ng plano at pagkabigong kumilos nang masinop at tapat sa pamamahala sa mga asset na ito. Halimbawa, namuhunan sila sa mga pondo ng plano sa stock ng iisang parmasyutikong kompanya na lumaki nang higit sa 45% ng mga asset ng plano bago labis-labis na bumagsak ang presyo ng stock.
Sa loob ng nakaraang 50 taon, lubos na napakahalaga ng aming gawain sa mga miyembro ng komunidad ng mga benepisyo ng empleyado sa pagkamit ng ating nakabahaging layunin. Pero nagsisimula pa lang kami – alam naming marami pa ang kailangang gawin. Umaasa kami sa patuloy na pakikipagtulungan sa iyo. Maisasakatuparan natin ang mga layunin ng ERISA nang magkakasama.
Si Lisa M. Gomez ang assistant na kalihim para sa Pangasiwaan ng Seguridad ng Mga Benepisyo ng Empleyado ng Departamento ng Paggawa.