Ang Magagawa ng Pag-iwas sa Paglaban sa Kanser

Nakikipag-usap ang medikal na provider sa pasyente.Alam mo bang ang kanser ang pangalawang nangungunang dahilan ng pagkamatay sa Amerika? Nakakabahalang estatistika ito, pero may sinag ng pag-asa; naipakita ng mga pag-aaral na ang higit sa 30 porsyento ng mga kanser na na-diagnose ngayon ay maaaring maiwasan sa pamamagitan ng mga paraang tulad ng screening at maagang pagtukoy. Bilang bahagi ng Buwan ng Pagkontrol sa Kanser, ang Pangasiwaan ng Seguridad ng Mga Benepisyo ng Empleyado (Employee Benefits Security Administration, EBSA) ng Departamento ng Pagtatrabaho ay nakatuon sa layunin ng Biden Cancer Moonshot na maiwasan ang higit pang kanser bago ito magsimula at matukoy ito nang maaga kung kailan pinakamagagamot ito.

Isa sa pinakamahahalagang tool sa labang ito ay ang Batas sa Abot-kayang Pangangalaga (Affordable Care Act), na nag-aatas sa karamihan ng mga panggrupong planong pangkalusugan na saklawin ang mga serbisyong pang-iwas, kasama ang mga screening na nauugnay sa kanser, nang walang out-of-pocket na gastusin. Saklaw ng mga proteksyong ito ang mga pang-iwas na hakbang para sa iba’t ibang uri ng kanser, tulad ng sa suso, colon, cervix, at baga. Nakatutok ang mga serbisyo sa pagtukoy, pag-iwas at paggamot – na nagbibigay ng komprehensibong diskarte sa pangangalaga sa kanser nang walang hadlang sa pananalapi.

Narito ang tatlong hakbang para tulungan kang pamahalaan ang iyong kalusugan at gamitin ang iyong coverage sa kalusugan para matulungan ka at ang mga miyembro ng iyong pamliya na maiwasan ang kanser:

  1. Suriin ang Iyong Planong Pangkalusugan: Tingnan ang iyong planong pangkalusugan na nakabatay sa trabaho para maunawaan kung ano ang mga serbisyong pang-iwas na sinasaklaw. Ang pag-alam sa iyong coverage ay nagbibigay-lakas sa iyo para makagawa ng matalino at napapanahong mga desisyon tungkol sa iyong kalusugan.

  2. Gumamit ng Mga Serbisyong Pang-iwas: Mag-iskedyul ng mga regular na screening na inirerekomenda para sa iyong edad, gender at mga salik ng panganib. Maaaring lubos na mapabuti ng maagang pagtukoy ang mga resulta ng paggamot at kalidad ng buhay. 

  3. Humingi ng Tulong: Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa coverage para sa mga serbisyong pang-iwas o kailangan ng tulong para maunawaan ang iyong mga karapatan sa ilalim ng Batas sa Abot-kayang Pangangalaga, makipag-ugnayan para sa tulong. Maaari kang makipag-usap sa iyong tagapangasiwa ng plano o makipag-ugnayan sa Mga Tagapayo ng Mga Benepisyo ng EBSA sa askebsa.dol.gov o sa pagtawag sa 1-866-444-3272. 

Ang mga proteksyon ng Batas sa Abot-kayang Pangangalaga para sa mga serbisyong ito na tumutulong sa paglaban sa kanser ay makakatulong sa panahon ng Buwan ng Pagkontrol sa Kanser at pagkaraan nito. Pakinabangan ang mga mapagkukunang ito para lubos na maapektuhan ang iyong kalusugan at kapakanan. 

Para sa higit pang impormasyon sa mga serbisyong pang-iwas at iba pang proteksyon sa ilalim ng iyong planong pangkalusugan na nakabatay sa trabaho, bisitahihn ang website ng EBSA o ang aming webpage ng Batas sa Abot-kayang Pangangalaga para sa Mga Manggagawa at Pamilya

Si Lisa M. Gomez ang assistant na kalihim ng Pangasiwaan ng Seguridad ng Mga Benepisyo ng Empleyado.