Ang taong ito ang ika-50 anibersaryo ng Batas sa Seguridad ng Kita sa Pagretiro ng Empleyado (Employee Retirement Income Security Act, ERISA). Noong unang isinabatas ang ERISA noong 1974, binago ng landmark na batas na ito ang pamamahala sa mga plano ng benepisyo na nakabatay sa trabaho ng pribadong sektor at nagbigay ito ng higit na kinakailangang mga proteksyon para sa mga manggagawang Amerikano. Kahit na maraming bagay ang nagbago sa nakaraang 50 taon, nananatiling pareho ang pangako ng Pangasiwaan ng Seguridad ng Benepisyo ng Empleyado (Employee Benefit Security Administration, EBSA). Walang pagod kaming nagsisikap para bumuo ng mabibisang regulasyon, tulungan ang mga kalahok, turuan ang mga katiwala at manggagawa, at mahigpit na ipatupad ang batas.
Nakakaapekto ang aming gawain sa mga planong pangkalusugan na nakabatay sa trabaho at plano ng pagreretiro ng pribadong sektor sa 153 milyong manggagawang Amerikano at kanilang mga pamilya mula sa lahat ng yugto ng kanilang buhay. Nakamit namin ito sa pamamagitan ng pag-aalok ng impormasyon, pagtulong sa pagsunod at pagpapatupad na nauugnay sa:
- pagdagdag ng bagong bata o bagong asawa sa iyong coverage sa kalusugan
- coverage sa kalusugan para sa lahat ng yugto ng buhay
- mga pagtitipid mula sa pagretiro.
Tinitiyak naming maaasahan at matatamasa mo ang segurong pagretiro kapag tapos ka nang magtrabaho. Tinutulungan ka naming i-access ang iyong mga benepisyo sa kalusugan, pagretiro at iba pang benepisyong nakabatay sa trabaho kapag kailangan mo ang mga ito. Tinuturuan ka namin tungkol sa pagmamay-ari ng empleyado kung may trabaho kang nag-aalok nito o kung pinag-iisipan mong ilipat ang iyong negosyo. At higit pa ang aming ginagawa.
Tumutulong ang aming mga tagapayo sa benepisyo sa buong bansa sa mga tanong na nauugnay sa mga benepisyong nakabatay sa trabaho sa higit sa 105 wika. Libre, kumpidensyal, at available ang tulong ng EBSA anuman ang katayuan sa imigrasyon. Noong nakaraang taon, nakapagsara ang mga tagapayo sa benepisyo ng EBSA ng higit sa 197,000 tanong at nakabawi sila ng $444.1 milyong halaga ng mga benepisyo sa ngalan ng mga manggagawa at kanilang mga pamilya.
Layunin naming tiyaking alam ng LAHAT ng Amerikano ang tungkol sa EBSA, ang tulong na ibinibigay namin at ang kanilang mga proteksyon sa ilalim ng ERISA – at hindi lang iyon limitado sa mga nagsasalita ng Ingles. Nakipagsosyo kami sa mga pambansang organisasyon at organisasyon sa lokal na komunidad, at nagsasagawa kami ng higit sa 300 outreach event sa nakaraang piskal na taon lang sa mga wikang hindi Ingles para bumuo ng tiwala sa mga komunidad na hindi napaglilingkuran nang sapat. Gumamit din kami ng social media at iba pang pagsisikap sa marketing para makaugnayan ang mga komunidad na ito. At nakipagtulungan kami sa media sa buong bansa, habang nagsasagawa ng mga panayam sa Ingles, Espanyol, at Vietnamese. Malaki ang naging pag-usad namin sa pakikipag-ugnayan sa mga komunidad na hindi napaglilingkuran nang sapat, at umaasa kaming patuloy na mapagtitibay ang mga pagsisikap na ito.
Kahit na nagbago ang aming ahensya sa loob ng nakaraang 50 taon, hindi nagbago ang aming pakikipagtulungan sa iba pang pederal, pang-estado at lokal na partner sa iba't ibang aktibidad, mula sa pagbuo ng mga regulasyon at gabay hanggang sa outreach at edukasyon. Halimbawa, direktang tumutulong sa mga mahihinang manggagawa ang pangmatagalang pakikipagsosyo. Sa pamamagitan ng Maagap na Pagtugon (Rapid Response), nakikipagtulungan ang EBSA sa koalisyon ng mga partner sa sistema ng pamumuhunan sa manggagawa ng estado at lokal na pamahalaan para mag-alok ng mga komprehensibong serbisyo at sanggunian para tulungan ang mga manggagawa na harapin ang mga epekto ng mga pagtanggal sa trabaho. Tinutulungan ng programang ito ang EBSA na maghatid ng impormasyon sa mga manggagawa para makapagdesisyon sila sa tamang oras para mapanatili ang coverage sa kalusugan. Noong nakaraang taon, lumahok kami sa 751 sesyon ng maagap na pagtugon.
Sa panahon ng pandemyang COVID-19, kumilos ang EBSA, at nagbigay ito ng tulong sa subsidya sa premium ng American Rescue Plan COBRA para tulungan ang mga pamilyang mapanatili ang kanilang insurance sa kalusugan sa lubos na nakaka-stress at nakakalitong panahon. Noong inilantad ng pandemya ang lumalaking krisis sa kalusugan ng pag-iisip ng Amerika, tumugon kami at isinapriyoridad namin ang mga batas sa pagkakapantay-pantay sa kalusugan ng pag-iisip na nag-aatas na ialok ang mga benepisyo sa kalusugan ng pag-iisip at sakit sa paggamit ng kontroladong kemikal sa paraang kapareho ng mga medikal/pang-operasyong benepisyo.
Kamakailan lang, may pamilyang nakipag-ugnayan sa isa sa aming mga tagapayo sa mga benepisyo noong hindi sila makahanap ng ospital na nasa network na makakapagbigay ng paggamot sa kalusugan ng pag-iisip para sa kanilang anak na babae. Nangahulugan ang mataas na gastos para sa pangangalaga sa labas ng network na kinailangan ng pamilya na kumuha ng pangalawang mortgage sa bahay. Nagawa naming tulungan silang makakuha ng pagbubukod sa ilalim ng plano sa kalusugan ng pag-iisip at higit sa $200,000 ang na-reimburse sa pamila, na nagbigay-daan sa kanilang mabayaran ang kanilang pangalawang mortgage.
Inilarawan ang aming tulong ng isa pang tinulungan naming kalahok sa plano bilang “halos parang milagro.” May nakipag-ugnayan sa isang tagapayo sa mga benepisyo ng EBSA na nagsasabing itinatanggi ng kanyang planong pangkalusugan ang kahilingan sa paunang pahintulot para sa lubos na kinakailangang pag-transplant ng puso. Sa loob ng isang linggo mula sa pakikipag-ugnayan sa amin, nakatulong kaming maaprubahan ang procedure.
Nagsikap ang isa pang tagapayo sa mga benepisyo na hanapin ang isang tao para ipaalam sa kanyang may karapatan siya sa buwanang benepisyo sa pensyon mula sa kanyang dating employer. May ipinadalang sulat sa kanyang huling kilalang address – sa silungan ng walang tirahan sa Michigan. Nangangahulugan ang aming mga pagsisikap para mahanap siya na nakakatanggap na siya ngayon ng pagbabayad sa pensyon na $711 bawat buwan bilang karagdagan sa lump sum na higit sa $82,000, na nagbibigay-daan sa kanyang magplano para sa permanenteng pabahay.
Ipinapakita ng mga napakagandang kuwentong kagaya nito na nakakapagpabago ng mga buhay ang ginagawa namin. Sa loob ng nakaraang 50 taon, marami kaming magagandang nakamit sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa komunidad ng ERISA. Umaasa kami sa patuloy na pakikipagtulungan sa susunod na 50 taon. Maligayang anibersaryo sa lahat na nagsikap para makamit ang layunin ng ERISA at sa mga taong bumuti ang buhay dahil dito.
Si Lisa M. Gomez ang assistant na kalihim para sa Pangasiwaan ng Seguridad ng Mga Benepisyo ng Empleyado ng Departamento ng Paggawa.