Malayo na ang narating natin mula sa pag-uusap tungkol sa Rehistradong Apprenticeship bilang pinakatatagong sikreto ng bansa pagdating sa pagpapaunlad sa mga manggagawa. Malayo na mula rito: Ngayong taon, ang aming mga kasosyo sa ApprenticeshipUSA – kung saan kasama ang mga employer at kinatawan ng industriya, organisasyon ng manggagawa at nakabase sa komunidad, mga kasosyong manggagawa, pang-edukasyong institusyon, at pederal, pang-estado, at lokal na ahensya ng pamahalaan – ay nakapagdaos ng mahigit 1,580 kaganapan at nakapaglabas ng halos 900 proklamasyon na ipinagdiriwang ang Rehistradong Apprenticeship! Ipinapakita ng makasaysayang talang ito na halos 2,500 kabuuang aktibidad sa NAW na naibunyag na ang sikreto, at mananatili rito ang pagbabago.
Naging sukatan ang Pambansang Linggo ng Apprenticeship ng pakikilahok ng publiko sa Rehistradong Apprenticeshop at ng halaga nito para sa lahat ng Amerikano at industriya. Isipin ninyo: Noong unang taon natin, nasabik tayong matunghayan ang mahigit 300 kaganapan at proklamasyon sa buong bansa. Ngayon, halos 2,500 na ito!
Ipinapakita ng patuloy na pagdami ng mga aktibidad na dinadaos ng mga kasosyo sa Apprenticeship USA sa paglipas ng panahon ang lumalawak na kamalayan at pagpapahalaga sa Rehistradong Apprenticeship para sa pagpapalakas ng ating ekonomiya sa pamamagitan ng pagpapaunlad sa mga may mataas na kasanayang manggagawa para matugunan ang mga pangangailangan ng industriya at pagbuo ng mga landas para makahanap ng magagandang trabaho ang mga naghahanap ng karera. Ipinapakita rin nito ang makabuluhang pagdami ng mga programa ng Rehistradong Apprenticeship at aktibong apprentice na inilalarawan sa aking huling blog.
Naipakita ng mga tampok mula sa makasaysayang pagdiriwang na ito ngayong taon ang lahat ng bahagi ng aming ApprenticeshipUSA ecosystem, kasama ang:
Pagdiriwang sa Mga Rehistradong Apprentice
Nagdaos ng maraming kaganapang nagdiriwang sa mga tagumpay ng mga Rehistradong Apprentice. Sa White House, pinarangalan namin ang unang pangkat ng mga “Apprentice Trailblazer” – mga kasalukuyan at kamakailang nagtapos na apprentice na may edad 16-24 taon – para sa kanilang dedikasyon sa pagpapalaganap ng balita tungkol sa Rehistradong Apprenticeship. Ang mga Trailblazer na rin ang humawak sa Instagram account ng departamento! Sa labas ng Beltway, kinikilala ang mga apprentice na gumagawa ng mga bagong landas sa buong bansa. Ipinagdiwang din ng Manufacturing Association of Central New York ang kanilang mga bagong Quality Assurance Auditor apprentice at nagdaos ng seremonya ng pagtatapos ang Mass Bankers Association para sa mga nagtapos na apprentice mula sa kanilang Credit Analyst Registered Apprenticeship Program.
Tingnan ang higit pang nakamit ng mga Trailblazer mula sa nakaraang taon:
Pagdiriwang sa papel ng industriya
Ngayong taon, daan-daang employer, asosasyon ng industriya, kasosyong employer, at affiliate na unyon ng manggagawa ang nagdaos ng mga kaganapan para ipalaganap ang kamalayan tungkol sa kanilang mga programa. Hinikayat ng mga kaganapan ang mga naghahanap ng karera na isaalang-alang ang Rehistradong Apprenticeship at para isaalang-alang ng ibang employer ang paggawa ng programa.
Halimbawa, itinampok ng Chicago Apprentice Network ang programa ng Zurich North America sa isang event na nagtampok ng diverse na grupo ng industriya, akademya, at pampublikong sektor, habang nagdaos ng panel ang net.America ng mga dalubhasa sa industriya na tinalakay ang mga paraan kung paano mapapalakas ng Rehistradong Apprenticeship ang pagkakaiba-iba sa industriya ng enerhiya at matutugunan ang mga lumalaking pangangailangan ng employer.
Pagdiriwang ng papel ng mas mataas na edukasyon sa Rehistradong Apprenticeship
Sa Pambansang Linggo ng Apprenticeship, kinilala namin ang mahirap ngunit mahalagang trabaho ng mga kasosyo sa mas mataas na edukasyon para matugunan ang lumalaking pangangailangan para sa mga may kasanayang manggagawa. Ang Apprenticeship Ambassador na Lewis-Burke Associates ay nagdaos ng webinar na nakatuon sa mahigit 200 kinatawan ng mga institusyon ng mas mataas na edukasyon na rehistrado para matuto tungkol sa pagsisimula ng Mga Programa ng Rehistradong Apprenticeship.
Minarkahan din namin ang paglunsad ng HBCU Registered Apprenticeship Collaborative sa pamamagitan ng panimulang virtual na pagtitipon na nagtampok sa White House Initiative sa mga HBCU at mahigit 50 nangungunang HBCU, kasama ang Tuskegee University, na nag-anunsyo ng bago nitong programa ng Registradong Apprenticeship na sino-sponsor ng Departamento ng Agrikultura ng U.S. Tinalakay rin ng mga kalahok ang kanilang mga programa ng Rehistradong Apprenticeship, nagbahagi ng mga pinakamagandang gawi at mga natutuhan, at karagdagang oportunidad para sa pakikipagtulungan.
Pagdiriwang sa papel ng mga lokal, pang-estado, at pederal na kasosyo
Ipinakita ni Pangulong Biden ang kanyang suporta sa pamamagitan ng opisyal na proklamasyon, tulad ng daan-daang gobernador, alkalde, at iba pang hinalal na opisyal sa buong bansa. Nagdaos ang Tanggapan ng Pamamahala ng Kawani ng U.S. ng webinar tungkol sa “Pag-navigate sa Landas patungo sa Serbisyo Publiko: Paano Nagbubukas ng Mga Oportunidad ang Mga Rehistradong Apprenticeship.” Sumali rin kami sa Governors' Apprenticeship Innovation Summit sa Phoenix, Arizona, at nagdaos kami ng Roundtable ng Programa ng Serbisyo Publiko ng HBCU ng Departamento ng Mga Serbisyo sa Pagtatrabaho ng D.C.
Nagpapasalamat kami sa mga organisasyong nakabase sa komunidad at ibang kasosyong manggagawa na nangunguna sa landas sa pamamagitan ng Rehistradong Apprenticeship at mga idinadaos na kaganapan. Umaasa kaming magbahagi pa ng mga tampok sa mga paparating na linggo. Samantala, bisitahin ang aming social media wall para makakita ng higit pa mula sa #NAW2024.
Ang hinaharap ng NAW
Pinakamahalaga: Tandaan ang petsa para sa #NAW2025! Pagkatapos ng matagumpay na 10 taong pagpapatakbo, oras na para mag-isip ng mga paraan para maihatid sa susunod na antas ang NAW. Sa loob ng nakaraang dekada, nagbahagi ng feedback ang aming mga kasosyo sa ApprenticeshipUSA na mapaghamong bahagi ng taon ang Nobyembre para sa NAW dahil sa mga proseso ng badyet, mas malamig na lagay ng panahon, at panahon ng halalan, kaya nagpasya kaming ilipat ang Pambansang Linggo ng Apprenticeship sa tagsibol para masulit ang mas banayad na lagay ng panahon, mga seremonya ng pagtatapos, at iba pang pagdiriwang para sa pagtatapos ng taon. Para tumulong sa transisyon, magkakaroon ng iisang Pambansang Araw ng Apprenticeship sa 2025, at magpapatuloy ang isang linggong pagdiriwang sa 2026. Tandaan ang mga petsa para sa susunod na apat na taon:
- Abril 30, 2025
- Abril 26-Mayo 2, 2026
- Abril 25-Mayo 1, 2027
- Abril 23-Abril 29, 2028
Bisitahin ang Apprenticeship.gov para makahanap ng balita tungkol sa mga plano para sa Pambansang Linggo ng Apprenticeship sa hinaharap, malaman kung paano magsimula ng programa ng apprenticeship, maghanap ng mga oportunidad para sa apprenticeship, tumuklas ng mga mapagkukunan para sa mga tagapagturo, at higit pa.
Si John Ladd ang tagapangasiwa para sa Tanggapan ng Apprenticeship sa Pangasiwaan ng Pagtatrabaho at Pagsasanay ng Departamento ng Paggawa ng U.S.