Pinopondohan ng mga gawad ang mga pagpapabuting nagpapabago sa buhay para sa mga manggagawa

Isang babaeng may suot na nametag na may nakasulat na "Kimberly Rush" ang nakatayo sa isang conference room, na napapalibutan ng ibang mga babae. Nakangiti siya.
Nabigyan si Kimberly Rush ng suporta tulad ng pera para sa gas at pagpapayo para sa interview para sa pagkumpleto ng isang cable-wiring program na pinondohan ng Departamento ng Paggawa na naghatid sa kanya mula sa isang "get-by" (may sumasapat lang na kita) na posisyon sa serbisyo sa pagkain tungo sa isang trabahong may magandang suweldo na nagbibigay-daan sa kanya para makapaglaan ng oras sa kanyang pamilya. 

Hindi madali ang pag-angat. At para kay Kimberly Rush, ang naging kaibahan ay isang debit card para sa pagbili ng gas. 

Siya ay nasa pagtatapos ng higit sa dalawang dekadang pagtatrabaho sa mga restaurant at serbisyo sa pagkain, mga posisyong malaki ang nabago noong kinailangan niyang maihiwalay sa panahon ng pandemya dahil sa mga paggamot para sa leukemia. Wala siyang may bayad na pahinga sa trabaho o pagliban dahil sa sakit. 

"Nagtrabaho ako sa lahat ng Sabado't Linggo, sa lahat ng holiday na mayroon," sabi niya. 

Dahil dito, naging mahirap na hatiin ang oras sa kanyang mga appointment sa oncology, kanyang trabaho sa isang Safeway deli, at isang cable-wiring program sa Mesa Community College sa Phoenix, na 45 minutong biyahe mula sa kanyang tirahan. 

Mataas ang halaga ng paggawa ng pagbabago sa pamamagitan ng pagsasanay sa mga manggagawa, at hindi lamang pagdating sa dolyar at sentabo. Isang gabi, natulog siya sa kotse para magawa sa kanyang biyahe ang appointment sa doktor, trabaho, at klase. Naglagay siya ng mga icepack sa travel pillow para makatulong sa kanya sa init ng disyerto. 

"Natagpuan ko ang aking sariling nauubos nang pisikal, espiritwal, emosyonal," sabi ni Kimberly. 

Napakabigat ng bawat hakbang pasulong, pero natulungan siyang gawin ang bawat isa dahil sa kanyang pagsasanay sa pamamagitan ng Fresh Start Women's Foundation, isang grantee para sa programa ng Women in Apprenticeship and Nontraditional Occupations (WANTO) ng DOL.

Kasama sa mga benepisyong iyon ang mga job fair kaya mahusay niyang nakatagpo ang mga employer, paghahanda sa interview kaya nagkaroon siya ng kumpiyansa sa pakikipag-usap sa mga kumpanya tulad ng Pacific Scientific (na kumuha sa kanya sa trabaho at kamakailan lang ay nag-promote sa kanya), at isang debit card kaya nakapagbayad siya para sa mahahabang biyaheng iyon. 

"Ang pagkakaroon lamang ng card na iyon para sa gas at mga grocery, nagpapagaan 'yon sa iyo," sabi ni Rush. "Hindi ko kailangang mag-alala tungkol dito sa ngayon."

Mula noong magsimula ang administrasyong Biden-Harris, muling ipinangako ng Departamento ng Paggawa ang mga programang gawad nito patungo sa mga may pagsasaalang-alang na landas tungo sa magagandang trabaho na nakakatulong sa mga manggagawang makaangat—tulad ng gawad ng WANTO na nakatulong kay Kimberly. 

Ginagamit namin ang aming mga pera para bumuo ng Opportunity Infrastructure(Imprastraktura ng Oportunidad), mga magkakaugnay na sistemang lubos na epektibo kapag naihahatid ng mga ito ang bawat manggagawa sa magandang trabaho. At ginagamit namin ang aming Good Jobs Principles (Mga Prinsipyo ng Magagandang Trabaho) para matiyak na ginagabayan ng mga proyektong pinopondohan ng departamento ang mga manggagawa sa mga trabahong may patas na suweldo, ligtas na mga lugar ng trabaho, at mga benepisyong nagpapabago sa buhay tulad ng pangangalagang pangkalusugan, pagreretiro, at pangangalaga sa bata. 

Noong 2024, naglabas kami ng higit sa $1.2 bilyong halaga ng mga oportunidad sa diskresyonal na pagpopondo na binuo mula sa mga ideyang ito. Kasama sa mga gawad na ito ang dagdag na $6 milyong halaga ng mga gawad ng WANTO, kasama ang isa pang gawad na ipinatupad ng Fresh Start. 

Kasama sa iba pang pamumuhunan sa Magagandang Trabaho at Imprastraktura ng Oportunidad:

Hindi na bago ang karamihan sa mga programang ito. Mga dekada nang nariyan ang ilan, kung hindi man mga henerasyon. Ang pagkakaiba ay mga priyoridad: pagbuo ng pagsasanay at mga oportunidad sa trabaho na epektibo para sa mga manggagawa at kanilang mga pamilya.

Ramdam ni Kimberly ang pagkakaibang iyon. Salamat sa WANTO, hindi na sumasapat lang ang kanyang kita. Nagtatrabaho siya para sa magandang suweldo at malalaking benepisyo habang gumagawa ng trabahong gusto niya, na may maraming oras para makapagplano ng mga bagay tulad ng paparating na pagbabakasyon kasama ang kanyang pamilya sa Bearizona, isang drive-thru na wildlife park. 

“Para akong may full-time na buhay at part-time na trabaho,” sabi niya. "Doon pa lang ay awtomatikong pagtaas na ng suweldo."

 

Si Nick Beadle ay tagapayo sa patakaran para sa Good Jobs Initiative

I-SHARE ITO: