Magsimulang gumawa nang mas mahusay at mas mabilis na pagpapasya sa pag-hire sa loob ng wala pang 15 minuto

Nakangiti ang kabataang babaeng nakasuot ng asul na blazer habang nakikipagkamay sa lalaking nakasuot ng asul na suit. Nakatayo sila sa modernong lobby ng tanggapan.

Inilunsad ng Departamento ng Paggawa ng U.S. ang Inisyatiba ng Magagandang Trabaho para gawing mas madali ang pag-hire ng mga manggagawa sa magagandang trabaho na tumutulong sa kanilang umunlad. Hindi lang para sa kapakanan ng mga manggagawa, kundi pati na rin sa mga employer. 

Mabuti ang paggamit ng Mga Prinsipyo ng Magagandang Trabaho para sa mga employer dahil humahantong ang mga kondisyon sa pagtatrabaho na ibinibigay nila sa pagtaas ng produktibidad at makakatipid mula sa mas mababang turnover.. Pero maaaring maging mahirap ang pag-hire, na may maraming problema at hadlang na pumipigil sa mga employer na maabot ang mahusay na talento na maaaring magpuno sa kanilang magagandang trabaho. 

Iyon ang dahilan kung bakit nakipagtulungan kami at ang Departamento ng Komersyo sa maraming eksperto—mula sa mga tagapag-isip ng korporasyon hanggang sa mga lider ng manggagawa—para mabuo ang Starter Kit sa Pag-hire na Inuuna ang Kasanayan ng Inisyatiba ng Magagandang Trabaho. Inanunsyo ngayon sa White House, ang madaling gamiting gabay na ito na nagbibigay kaalaman sa mga mambabasa sa mga simple at kongkretong termino kung ano ang kahulugan ng pag-hire na inuuna ang mga kasanayanat kung paano nila ito magagawa nang maayos. Nagbabahagi rin ito ng mga tool na maaaring makabawas ng bilang ng organisasyon na lumilipat mula sa tradisyonal na pag-hire tungo sa pag-hire na inuuna ang mga kasanayan. 

Maaaring narinig mo na sa balita ang tungkol sa pag-hire na inuuna ang mga kasanayan. Kilala rin bilang “pag-hire na nakabatay sa kasanayan,” ang estratehiyang ito, na binanggit sa aming Mga Prinsipyo ng Magagandang Trabaho, ay nangangahulugan ng pagkuha o pagtataguyod sa saklaw ng mga kasanayan, kaalaman, at kakayahan na maipapakita ng mga manggagawa na talagang mayroon sila—hindi alintana kung paano nakuha ng mga manggagawa ang mga kasanayang iyon. Nag-aalis ang pag-hire na inuuna ang mga kasanayan ng mga hadlang para sa magagandang trabahong kayang tustusan ang pamilya para sa mga manggagawang may sapat na talento pero hindi makakuha ng magagandang trabaho dahil sa mga proseso ng pagkuha na nangangailangang ipakita nila na nakuha nila ang kanilang mga kasanayan sa tiyak na paraan. 

Karamihan sa pambansang pag-uusap sa pag-hire na inuuna ang mga kasanayan ay nakatuon sa pagtanggal ng mga kinakailangan sa degree. Pero higit pa riyan ang kasangkot sa matagumpay na paggamit ng mga estratehiyang ito.  Natuklasan ng pananaliksik na nahihirapan ang mga employer na ipatupad ang mga estratehiyang ito. 

Binuo namin ang Starter Kit para makatulong sa pagtugon sa mga hamong ito. Nagbibigay ang Starter Kit ng transparent, sunud-sunod na pananaw kung paano mag-hire batay sa mga kasanayan at gawin ito nang maayos. 

Mas maganda pa, makukuha mo ang mahahalagang bagay sa pag-hire na nakabatay sa kasanayan sa loob ng wala pang 15 minuto. Ang mga may gusto nang mas malalimang pagbabasa ng gabay ay maaaring makuha ang lahat ng impormasyon sa loob ng wala pang 20 minuto. Para sa tunay na mas malalim na paghahanap, maaari mo ring sundan ang aming mga link sa iba pang gabay sa pag-hire na inuuna ang kasanayan. 

Ang isang bagay na lalo naming ipinagmamalaki ay kung paano pinagsama-sama ng Starter Kit ang napakaraming tao para ibigay sa mga employer ang pinakamahusay na posibleng mapagkukunan. Pinatibay namin ang Starter Kit sa pamamagitan ng mga konsultasyon sa magkakaibang grupo ng 15 organisasyon na nangunguna sa mga isyung ito. Kabilang dito ang mga employer at eksperto sa negosyo sa Business Roundtable at sa SHRM Foundation; mga pinuno ng paggawa sa AFL-CIO, AFSCME at NABTU; mga tagapag-isip sa teknolohiya at talento sa LinkedIn at Indeed; at mga nangunguna sa mga aktibidad ng pag-hire na inuuna ang kasanayan sa Grads of Life at Opportunity@Work.

Mapalad din kami na makatrabaho ang ilan sa pinakamahuhusay na eksperto sa mundo sa pag-unlad ng mga manggagawa at ang trabaho ay mahalaga sa matagumpay na pag-hire na inuuna ang kasanayan. Alinsunod dito, pinagsama rin ng produktong ito ang kaalaman ng mga eksperto mula sa aming Pangasiwaan sa Pagsasanay sa Trabaho, Tanggapan ng Patakaran sa Pagtatrabaho ng May Kapansanan, Tanggapan ng Mga Programa sa Pagsunod sa Pederal na Kontrata, Kawanihan ng Mga Kababaihan, Serbisyo sa Pagtatrabaho at Pagsasanay ng mga Beterano, at marami pang ibang kasamahan na may kadalubhasaan sa larangang ito. 

Maaari mong basahin ang Starter Kit dito at matuto nang higit pa tungkol sa aming Inisyatiba sa Magagandang Trabaho dito

 

Si Nick Beadle ay tagapayo sa patakaran para sa Inisyatiba sa Magagandang Trabaho ng Departamento ng Paggawa ng U.S.