Ginagawang ligtas ang pagtatrabaho tuwing holiday para sa lahat

Apat na larawang itinatampok ang iba’t ibang industriya ng trabaho: isang tao sa bodega, isang cashier sa tindahan ng grocery, isang magsasaka sa bukid, at isa pang taong naglalagay ng mga item sa trunk ng kotse sa labas ng retail na tindahan.Narito na ang panahon ng holiday, at marami sa atin ang naghihintay na maglaan ng oras para makasama ang mga kamag-anak at kaibigan, makibahagi sa mga festive na pagkain at maghanap ng perperktong mga regalo. Sa likod nitong lahat, libo-libong manggagawa sa mga sakahan, pasilidad ng pag-pack ng karne, bodega, tindahan ng grocery, paghahatid ng package, at retail na tindahan ang tumitiyak na mayroon ka ng kailangan mo. 

Sinusuportahan ng mga indibidwal na ito ang season, at tumutulong silang pangitiin ang inyong mga pamilya tuwing holiday. Ngunit madalas na napakataas ng halaga ng kanilang pagsisikap sa trabaho. 

Nanganganib na makaranas ng mga pinsala sa lugar ng trabaho ang maraming manggagawang humahawak at nagpapadala ng ating mga regalo, dekorasyon para sa holiday, at iba pang pang-season na item. Noong 2023, may 170 malubhang pinsalang naiulat sa industriya ng pangkalahatang warehousing at storage, kasama ang 152 pagpapaospital at 32 pagputol ng bahagi ng katawan. 

Sa rate na ito, humigit-kumulang 15 tao na nagtatrabaho sa mga bodega ang makakatamo ng malubhang pinsala mula ngayon hanggang sa katapusan ng taon, 12 ang maoospital, at tatlo ang mapuputulan ng bahagi ng katawan. 

Mas seryoso pa ang dami ng pagkamatay ng manggagawa. Araw-araw, may average na 15 manggagawa ang namamatay dahil sa pinsala na natamo sa trabaho sa buong bansa sa lahat ng industriya, na nangangahulugang humihigit-kumulang 5,000 taong nakasama ang kanilang mga pamilya noong nakarang taon ang hindi makakauwi ngayong season. 

Ito ay malungkot na katotohanan ngayong panahon ng kasiyahan. 

Wala dapat kailangang maglagay sa panganib ng kanilang buhay o kalusugan para magawa ang kanilang trabaho. Mga employer, may responsibilidad kayong panatilihing ligtas ang inyong mga manggagawa. Narito ang ilang simpleng hakbang para gawing mas ligtas ang inyong lugar ng trabaho ngayong season ng holiday. 

  • Sanayin ang mga manggagawa – Siguraduhing alam ng lahat kung paano gawin ang kanilang trabaho sa ligtas na paraan, kasama ang kung paano gumamit ng pamprotektang kagamitan at tumugon sa mga panganib. 
  • Magbigay ng pamprotektang kagamitan – Bigyan ang mga manggagawa ng personal na pamprotektang kagamitan na kailangan nila tulad ng mga guwantes, pangkaligtasang helmet, pananamit na madaling makita, pamprotekta sa pandinig, at emergency kit. 
  • Mabilis na ayusin ang mga panganib – Hanapin ang mga panganib na tulad ng mga may harang na labasan o sirang kagamitan at ayusin ang mga ito sa lalong madaling panahon.
  • Limitahan ang mga oras ng trabaho – Humahantong ang matagal na oras ng trabaho sa lubos na pagkapagod, at nasa panganib ang mga pagod na manggagawa na masaktan o mas malubha pa rito. Suriin ang mga problema sa staffing at ayusin ang mga iskedyul para magkaroon ng madalas na oras para sa pahinga. 
  • Hikayatin ang Pag-ulat – Gumawa ng kultura ng kaligtasan kung saan komportable ang mga manggagawa na magsalita tungkol sa mga problema sa kaligtasan nang walang takot sa paghihiganti. 

Mga manggagawa, mahalaga ang inyong kaligtasan. May karapatan kayong magkaroon ng ligtas na lugar ng trabaho. Narito ang dapat ninyong malaman: 

  • Alamin ang inyong mga karapatan – Puwede ninyong tanggihan ang mapanganib na trabaho kung maisasapanganib nito ang inyong buhay.
  • Mag-ulat ng mga panganib – Sabihin sa inyong supervisor kung mayroong hindi ligtas sa trabaho. Kung may mga tanong kayo o kailangan ninyo ng tulong, pumunta sa osha.gov o tumawag sa 1-800-321-OSHA (6742). Kung hindi inaayos ng inyong employer ang mga hindi ligtas na kondisyon, puwede ninyong iulat ito sa OSHA. Kumpidensyal ito. 
  • Alagaan ang inyong sarili – Posibleng humantong sa mga insidente ang pagkapagod. Magpahinga kung kailan kaya ninyo para manatili kayong alerto sa trabaho.

May karapatan ang lahat na magdiwang ngayong season kasama ng kanilang mga minamahal. Ngayong panahon ng holiday, hinihikayat namin ang lahat ng employer na gumawa ng higit pa para protektahan ang kanilang mga manggagawa. Dahil ang pinakamagandang regalong maibibigay mo sa kanila at kanilang mga pamilya ay ang pagtiyak na makakauwi sila nang ligtas.

Matuto pa sa page na kaligtasan sa lugar ng trabaho tuwing holiday ng OSHA. 

 

Si Tonya Ford ang pambansang pampamilyang liaison para sa Pangangasiwa sa Kaligtasan at Kalusugan sa Trabaho. I-follow ang OSHA sa X sa @OSHA_DOL at sa LinkedIn.