Pagbabago ng insurance sa kawalan ng trabaho, sa isang estado sa isang pagkakataon

Nakatayo ang kabataang babae sa malaking silid na puno ng mga taong nakasuot ng propesyonal na kasuotan na nakaupo sa mga mesa, at nakaharap sa projection screen na may nakasulat na "Pagpapahusay sa Karanasan at Pag-access sa UI ng Mamimili (Improving UI Customer Experience & Access)"Naglantad ang pandemya sa matatagal nang problema sa sistema ng Insurance sa Kawalan ng Trabaho (Unemployment Insurance, UI) na pinakamalalang tumama sa mga mahihirap na komunidad. Nakatuon ang Departamento ng Paggawa sa pagtugon sa mga pagkukulang na ito at paglutas sa mga problemang pumipigil sa mga manggagawang humingi ng tulong kapag kinakailangan nila ito. Nakakuha ang Batas sa Planong Pagliligtas ng Mga Amerikano (American Rescue Plan Act, ARPA) ni Pangulong Joe Biden ng $1 bilyon para tulungan ang mga estado na mapahusay ang kanilang imprastraktura sa kawalan ng trabaho. 

Noong Oktubre 24, naglakbay ako kasama ang Katulong na Kalihim para sa Pagtatrabaho at Pagsasanay na si José Javier Rodríguez sa Wisconsin para makita kung paano ginagamit ng Badger State ang $32 milyon na pondo ng ARPA para mapahusay ang karanasan ng mamimili at access sa mga benepisyo. Habang nandoon kami, pinangasiwaan ng aming Direktor ng Modernisasyon ng UI na si Andy Stettner ang isang talakayan kasama ang Katulong na Kalihim na si Rodriguez, Kalihim ng Departamento ng Pagpapaunlad ng Lakas ng Manggagawa ng Wisconsin na si Amy Pechacek at mga kinatawan mula sa negosyo at paggawa. Ipinagdiwang ng talakayan ang pag-unlad ng pag-modernize ng insurance sa kawalan ng trabaho sa Wisconsin mula noong pandemya at nagbigay-daan sa amin na matutunan ang mga kritikal na isyu na patuloy na tinutugunan ng estado. 

Binigyang-diin ni Kalihim Pechacek ang mga makasaysayang bilang ng trabaho at rate ng trabaho sa Wisconsin sa nakalipas na apat na taon. Aktibo ang estado sa modernisasyon ng UI at isa sa mga unang nagboluntaryong magkaroon ng grupo ng mga eksperto, na tinatawag na mga Tiger Team, na tumutulong sa pagtukoy ng mga bagong estratehiya sa UI. 

Maaaring nakakatakot na proseso ang yugto ng aplikasyon ng benepisyo, dahil maaaring hindi alam ng maraming nasa marginalize o mahinang manggagawa na kwalipikado silang makatanggap ng mga benepisyo o kung paano mag-apply. Idinetalye ng tagapangasiwa ng UI ng Wisconsin na si Jim Chiolino ang mga pagpapabuti na pinondohan ng ARPA ng estado para gawing mas madali ang pag-navigate sa sistema, tulad ng: 

  • Paggamit ng simpleng wika,
  • Pagpapabuti ng pagiging naa-access para sa mga claimant na may kapansanan, at
  • Pagsasalin ng mga sulat, impormasyon sa website at mga form sa Espanyol at mga pangunahing materyales sa iba pang wika tulad ng Rohingya. 

Si Brenda Lewison, isang abogado sa Legal na Pagkilos ng Wisconsin, ay nagpahayag ng pasasalamat para sa mga pagsasalin sa Espanyol, dahil sa bilang ng mga kliyenteng hindi nagsasalita ng Ingles mula sa Mexico at Texas na naglalakbay sa Wisconsin para humanap ng mga trabaho. Binanggit ni Susan Quam kasama ng Asosasyon ng mga Restaurant sa Wisconsin kung gaano kahalaga ang paggamit ng simpleng wika para sa mga employer at para sa mga claimant.

Nakakatulong ang paggawa ng mga mas madaling gamiting aplikasyon sa mga manggagawang makakuha ng mga benepisyo at nakakatulong na matiyak na mapupunta ang mga pagbabayad sa mga kwalipikadong indibidwal. Pumasok ang Departamento sa isang kasunduan kasama ang Sebisyo sa Postal ng U.S. para payagan ang personal na pagberipika ng ID para sa mga benepisyo ng UI sa mga kalahok na lokasyon ng retail postal sa buong bansa. Sa huling bahagi ng taong ito, magiging isa ang Wisconsin sa hindi bababa sa 17 estadong mag-aalok ng serbisyong ito.

Ang Programa ng Pag-navigate ay isa pang bahagi ng gawain para mapagtagumpayan ang mga hadlang sa pag-access sa UI. Sa kaganapan, tinalakay ng mga navigator mula sa Mga Serbisyo sa Oportunidad ng Nagkakaisang Migrante (United Migrant Opportunity Services, UMOS) kung paano sila nagbibigay ng hands-on na tulong para ipakita sa mga claimant kung paano gamitin ang teknolohiya at magpasok ng impormasyon. Binigyang-diin ng mga miyembro ng panel na nahaharap sa mga hamon ang kanilang mga kliyente sa pagsagot sa mga online na aplikasyon, kahit na mayroong navigator para tumulong, at ang mga kliyenteng nakikipag-usap sa pamamagitan ng American Sign Language ay nahaharap din sa mga hadlang kapag kailangan nilang makipag-ugnayan sa estado. 

Kinilala ng mga miyembro ng panel ang tungkulin ng mga katuwang sa komunidad tulad ng mga unyon at nonprofit na organisasyon na nagbibigay ng mahalagang tulong sa personal para gawing hindi gaanong nakakatakot ang proseso para sa mga claimant. Halimbawa, sinabi ni Douglas Bartz kasama ang Lupon sa Pagpapaunlad ng Lakas ng Manggagawa ng Southeast Wisconsin na ang mga kliyente mula sa lahat ng henerasyon ay bumibisita sa mga American Jobs Center para sa tulong sa mga online na aplikasyon sa UI. 

Sa pagtatapos ng talakayan, inulit ng mga miyembro ng panel ang kahalagahan ng pagpapanatili ng momentum at patuloy na pagyamanin ang pakikipagtulungan sa pagitan ng mga estado. Ang pagkakapantay-pantay, pag-access at karanasan ng user ay nangunguna sa modernisasyon ng UI. Ang mga benepisyo ay mga linya ng buhay para sa milyun-milyong nagtatrabahong pamilya, at dapat walang maiiwanan. 

 

Si Britt Stich ay ang representanteng katulong na kalihim para sa Pangasiwaan sa Pagtatrabaho at Pagsasanay ng Departamento ng Paggawa ng U.S.