Nagtrabaho sina Annette, Kyle, at Laura sa Friendship Diner sa Evansville, Indiana. Sa kasamaang palad, lubos na hindi mabuti ang kapaligiran sa trabaho. Gumawa ang may-ari ng diner ng masamang kapaligiran para sa mga empleyado at nilabag ang kanilang mga karapatan sa lugar ng trabaho.
Bilang mga server, inutusan silang ipagsama o “i-pool” ang kanilang mga tip, isang kagawiang hindi legal sa ilalim ng Batas sa Mga Pamantayan sa Patas na Pagtatrabaho (Fair Labor Standards Act, FLSA). Kung hindi nila ipinagsama ang kanilang mga tip, magagalit ang may-ari – kahit na lehitimo ang mga alalahanin nila. Minsan, ginagawa ang pag-pool para magbigay ng mga tip sa mga hindi server na tauhan, samantalang minsan ay sinabihan ang mga server na kailangan nilang bayaran ang mga kabayaran para sa credit card ng restawran. Tinanggihan ng bayad sa overtime ang ibang empleyado, o humarap sila sa paghihiganti ng employer para sa kanilang mga lehitimong karaingan.
“Nagbiro kami tungkol sa pagkakaroon ng PTSD mula sa lahat ng stress dahil sa may-ari,” sabi ni Kyle, pero may hugot ang mabigat na pagbibirong ito mula sa mga totoong pisikal na pangyayari. Umabot sa punto kung saan nagreklamo ang ilang empleyado tungkol sa kanilang kapaligiran sa trabaho sa kanilang mga doktor.
Walang empleyado ang dapat na humarap sa ganitong uri ng pagnanakaw ng sahod at paghihiganti. Dahil dito, tumulong ang Dibisyon ng Sahod at Oras na imbestigahin ang Friendship Diner. Noong unang bahagi ng 2023, nagkolekta ang isang imbestigador mula sa dibisyon ng detalyadong impormasyon mula sa mga kasalukuyan at dating manggagawa sa restawran.
Bagaman hindi gaanong komportable ang mga manggagawa sa pakikipag-usap sa dibisyon – minsan ay dahil sa takot sa higit pang paghihiganti – tinulungan sila ng imbestigador na maging mas komportable. Sabi ni Laura, “Napakagaling ng trabaho [ng imbestigador] sa kaso... Talagang nagpapasalamat ako para sa pagtulong sa amin [ng dibisyon] at na nakamit ang hustisya.” Hinihikayat din ni Laura ang ibang manggagawang nasa katulad na sitwasyon na makipag-ugnayan. Dagdag niya, “Kung mag-uulat ka ng isang bagay [sa Dibisyon ng Sahod at Oras], tinutulungan mo rin ang mga katrabaho mo.”
Pagkatapos ng imbestigasyon, inutusan ng korte ng Indiana ang may-ari ng Friendship Diner na magbayad ng $390,000 bilang sahod at bayad-pinsala sa 44 na empleyado, kasama sina Annette, Kyle, at Laura. Dagdag pa, inatas ng korte na ipakita ng may-ari ang desisyon ng korte sa loob ng restawran.
Makakatulong ang mga ibinalik na sahod sa mga manggagawa pagdating sa mga karaniwang gastusin sa pamumuhay tulad ng pagkain at pangangalaga sa bata. Para kay Laura, ibig sabihin nitong may kakayahan siyang madala ang kanyang asawa para makapanood ng pangkolehiyong football game at mabayaran ang mga klase para sa pagmamaneho ng kanyang anak.
“Nariyan para sa inyo [ang Dibisyon ng Sahod at Oras] at lumalaban sila para sa dehado,” sabi ni Annette. Kung naniniwala kang nilalabag ng iyong employer ang batas at dapat kang bayaran ng mga sahod, puwede kang makipag-ugnayan sa Dibisyon ng Sahod at Oras para maghain ng reklamo.
Si Lacey A. Houle ang Community Outreach & Resource Planning Specialist (CORPS) para sa Dibisyon ng Sahod at Oras ng Departamento ng Paggawa. I-follow ang dibisyon sa Twitter/X, Instagram at LinkedIn.