Paano namin pinapagaan ang buhay ng mga asawa ng militar

Nag-pose si Anne Danhoffer para sa pagkuha ng litrato kasama ang kanyang asawang si Mike, na nakasuot ng uniporme ng Hukbong Himpapawid ng U.S.Sa Nobyembre, ipagdidiriwang natin ang mga beterano – at ipagdidiriwang din natin ang mga pamilyang patuloy na sumusuporta para matupad ang kanilang serbisyo. Ipinagmamalaki ko na binibigyan ng pagkilala ng Departamento ng Paggawa ang mga kontribusyon at sakripisyo ng mga pamilya ng militar at nagsisikap na mapagaan ang mga hamon na kanilang kinakaharap.

Bilang asawa ng isang beterano ng Hukbong Himpapawid na nagretiro lang pagkatapos ng 20 taon ng serbisyo, masasabi ko mismo ang ilan sa mga hamong ito, lalo na sa larangan ng pagtatrabaho. Nang madestino ang asawa ko sa isang himpilan sa ibang bansa apat na taon na ang nakararaan, kinailangan kong umalis sa trabahong napamahal na sa akin at magsimula muli ng buhay sa isang bagong bansa. Nang maglaon, nang bumalik kami sa Estados Unidos, napaharap na naman ako sa isa pang mahirap na paglipat sa trabaho. Nagpapasalamat ako na nakapasok ako sa Kawanihan ng Kababaihan, kung saan magagamit ko ang aking karanasan bilang asawa ng militar para ipaalam ang patakaran at programa para gawing mas magaan ang pagharap sa mga pagbabagong ito para sa iba.

Sa pamamagitan ng aming pagsusuri sa data at pananaliksik, mga pakikipagtulungan sa grantee at pagprograma ng kaganapan, gumagawa ang Kawanihan ng Kababaihan ng mga paraan patungo sa pagkakaroon ng magagandang trabaho para sa lahat, kabilang ang mga asawa ng militar. Dapat banggitin sa paparating na webinar: Sa Nobyembre 22, makikipag-usap kami sa Workforce Council ng Hampton Roads, isang grantee ng Mga Babaeng nasa Apprenticeship at Hindi Tradisyonal na Trabaho (Women in Apprenticeship and Nontraditional Occupations, WANTO) ng 2022, tungkol sa pinakamahuhusay na kasanayan para sa pagkonekta sa mga babaeng beterano at asawa ng militar na may mahuhusay na opsyon sa pagtatrabaho.

Mayroong halos 580,000 asawa ng militar – 90% nila ay kababaihan – na ang mga oportunidad sa karera, tulad ko, ay nakasalalay sa mga istasyon ng tungkulin ng kanilang mga asawa. Ang aming 21% rate ng kawalan ng trabaho sa mga sibilyan ay higit na mataas kaysa sa 4% ng pambansang average.. Marami sa amin ang underemployed, nagtatrabaho sa mga tungkuling hindi tumutugma sa aming mga kasanayan, pagsasanay o karanasan, dahil ang madalas na paglilipat na kaakibat ng pagpapakasal sa isang miyembrong nasa serbisyo ay nagpapahirap sa pagkuha ng secure na trabaho. Ang mga kakulangan sa trabaho na maaaring magresulta mula sa madalas na paglilipat ay maaaring humantong sa hindi permanenteng kita, pagka-antala ng paglago ng karera at pakiramdam ng pagkadismaya ng isang propesyonal.

Kahit para sa amin na nakakahanap ng trabaho, ang pag-secure ng abot-kaya at mataas na kalidad na pangangalaga sa bata ay nananatiling isang patuloy na pakikibaka. Madalas na lumilipat ang mga pamilya ng militar sa mga lugar kung saan wala silang personal na network ng suporta, at habang nag-aalok ang mga base militar ng ilang mapagkukunan ng pangangalaga sa bata, maaaring limitado ang mga ito. Ang mahahabang listahan ng paghihintay, mataas na demand at pinaghihigpitang oras ay maaaring nagpapahirap sa paghahanap ng maaasahang pangangalaga sa bata na akma sa ating mga pangangailangan, lalo na para sa mga asawang nagtatrabaho nang hindi regular o part-time na oras. At dahil ang mga asawa ng militar ay mas malamang na maging underemployed, ang mga gastusin sa tradisyonal na pang-araw na pangangalaga o mga programa sa maagang edukasyon para sa mga bata ay maaaring maging hadlang para sa mga pamilya ng militar. 

Pero bumubuti na ang sitwasyon. Gumawa ng mga makabuluhang hakbang ang Administrasyong Biden-Harris para gawing mas madali para sa mga asawa ng militar, lalo na sa mga nagtatrabaho sa pederal na pamahalaan, na malampasan ang mga hadlang na ito. Maaari na ngayong mapanatili ng mga empleyado ng pederal na pamahalaan na mga asawa ng militar ang kanilang mga trabaho kahit na maitalaga sa mga bagong lokasyon ang kanilang mga pamilya, na nagbibigay-daan sa higit na katatagan para sa kanilang mga karera at pamilya.

Dagdag pa rito, simula Enero 2023, mas madali na para sa mga miyembrong nasa serbisyo at kanilang mga asawa na lumipat sa mga trabahong nangangailangan ng lisensya sa mga lilipatan nilang estado kapag lumipat sila dahil sa mga utos ng militar. Ang pagsasaayos na ito ay nagpapagaan sa isa sa mga pinakakaraniwang hamon na kinakaharap ng mga asawa ng militar na nagtatrabaho sa mga lisensyadong propesyon.

 

Ngayong Buwan ng Pagpapahalaga sa Pamilya ng Militar, gusto kong pasalamatan ang lahat ng pamilya ng militar para sa kanilang serbisyo at katatagan. Patuloy tayong magtulungan para maging mas magaan ang buhay para sa kanila. Narito ang ilang mapagkukunan na maaaring makatulong:

Si Anne Danhoffer ay ang Nakatataas na Tagapayo sa Kawanihan ng Kababaihan ng Departamento ng Paggawa ng U.S.

Mga etiketa:

I-SHARE ITO: