Pagsasagawa ng pagkilos laban sa mga sapilitang probisyon ng 'fine print'

Malapitang larawan ng kamay na lumalagda ng kontrata sa pagtatrabaho.

Karapat-dapat ang lahat ng manggagawa sa magagandang trabaho at batas na nagpoprotekta sa kanila habang nasa trabaho. Pero maraming employer ang nangangailangan sa mga empleyadong lumagda ng mga kontrata na naghihigpit sa kanilang kakayahang matupad ang kanilang mga karapatan sa batas sa paggawa. Maaaring lumabag ang mga sapilitang kontratang ito sa mga batas na ipinatutupad ng Departamento ng Paggawa.

Dito sa Tanggapan ng Solicitor, madalas naming nakikita ang mga kontrata sa pagtatrabaho na naglalaman ng mga probisyon na nagki-claim na talikuran ang mga karapatan ng mga manggagawa o pinipigilan ang mga manggagawang gamitin ang kanilang mga karapatan. Madalas silang nagtatagumpay sa pananakot sa mga manggagawa mula sa pagtatangkang gamitin ang kanilang mga karapatan, lalo na kapag sinusubukan nilang panagutin ang mga manggagawa para sa mas malaking pera kaysa sa kanilang kinikita mula sa kanilang employer. Tulad ng nakabalangkas sa aming bagong Ulat sa Espesyal na Pagpapatupad, nakatuon ang Tanggapan ng Solicitor na labanan ang mga labag sa batas at sapilitang probisyon ng “fine print” para matiyak na natatanggap ng bawat manggagawa ang mga proteksyong ginagarantiya ng pederal na batas. 

Ito ang dahilan kung bakit nagsampa kami ng reklamo noong Setyembre 20 laban sa isang kumpanya ng logistic sa transportasyon na tinatawag na Cargomatic Inc. na may kaugnayan sa mga sapilitan nitong probisyon ng “fine print”. Isinasaad sa reklamo na matapos idemanda ng mga kasalukuyan at dating drayber ang kumpanya para sa mga paglabag sa suweldo sa ilalim ng Batas sa Patas na Mga Pamantayan sa Paggawa (Fair Labor Standards Act, FLSA), nagpadala ang kumpanya ng mga liham sa ilang drayber na sangkot sa demanda na iginigiit na lumagda sila ng mga kontratang nangangailangan sa kanila na bayaran ang kumpanya para sa gastos sa pagtatanggol sa demanda. Lumalabag sa batas ang pagtatangkang ito na ipasa ang mga gastos sa mga manggagawa para sa labag sa batas na pag-uugali ng employer. Noong Setyembre 25, ipinagkaloob ng korte ang aming kahilingan para sa permanenteng kautosan laban sa Cargomatic Inc., para pigilan ang kumpanya mula sa pakikisangkot sa pananakot at mga pagbabanta laban sa mga drayber na naghahabol sa kanilang mga karapatan sa FLSA at para pigilan sila sa pagpapatupad o pagtatangkang ipatupad ang anumang uri ng bayad-pinsala na probisyong nangangailangan sa mga drayber na bayaran ang mga legal na gastos ng kumpanya. 

Gumagawa rin kami ng pagkilos patungkol sa iba pang nakakabagabag na probisyon ng “fine print” na maaaring magbigay ng takot sa mga manggagawa sa paggamit ng kanilang mga karapatan, at maaaring lumabag sa batas, kabilang ang:

  • Mga probisyon sa kontratang nangangailangan sa mga empleyado na sumang-ayon na sila ay mga independiyenteng kontratista.

  • Mga probisyong sumusubok na ilipat ang pananagutan ng employer para sa mga legal na paglabag sa mga manggagawa o iba pang entidad (hal., sa pamamagitan ng pag-aatas sa mga empleyado na bayaran ang employer para sa mga pinsalang iniutos ng employer na bayaran dahil sa maling pag-uuri nito sa mga empleyado).

  • Ang mga probisyong “magbabayad ang natalo” na nangangailangan sa mga empleyado na bayaran ang mga bayarin at gastos sa abogado ng employer kung hindi magtagumpay ang mga empleyado sa paglilitis o arbitrasyon.

  • Ang mga probisyong “manatili o magbayad”, kabilang ang ilang probisyon ng tulong sa pagbabayad sa pagsasanay, na nangangailangan sa mga manggagawa na magbayad ng mga pinsala sa kanilang employer para sa maagang pag-alis sa kontrata.

  • Mga patakaran ng kumpanyang nangangailangan sa mga manggagawa na mag-ulat muna ng mga alalahanin sa kaligtasan sa kanilang employer bago makipag-ugnayan sa anumang ahensya ng pamahalaan.

  • Mga probisyon ng pagiging kumpidensyal, hindi paghahayag, at hindi pagmamaliit. 

  • Iba pang probisyon sa kontratang nangangailangan sa mga empleyado na talikuran ang kanilang mga legal na karapatan. 

Panghuli, hindi dapat kailanganin ng mga manggagawang magbayad ng malalaking halaga sa kanilang mga employer dahil lang iniwan nila ang kanilang mga trabaho para sa mas ligtas na trabaho, naghahangad na mag-ulat ng mga paglabag sa pamahalaan o naghahangad na gamitin ang kanilang mga karapatan sa ilalim ng batas sa ibang paraan. 

Palaging may karapatan ang mga manggagawang mag-ulat ng labag sa batas na pag-uugali sa departamento at makipagtulungan sa aming mga pagsisiyasat at paglilitis, hindi alintana kung lumagda sila ng mga pribadong kontrata o sapilitang kasunduan sa arbitrasyon.. Gaya ng nilinaw ng Ulat sa Espesyal na Pagpapatupad, patuloy na aktibong magtataguyod ang departamento at ang aking tanggapan sa ngalan ng mga manggagawa para labanan ang mga sapilitang probisyon ng “fine print”. 

Ang solicitor ng paggawa ay si Seema Nanda.